Monday, October 4, 2010

ELECTION

What can i say about the government.or should i say against the government,
And i can't realize how to visualize,a big community how to hypnotize,
By money to vote for him to be a leader?and later on he became great destroyer,
Flying voter's around the election,nobody know's where the money came from,
Either graft and corruption,syndicate illegal organization,big boss give there support and donation,
I know a politician is not easy but necessary you know how to face the reality,
Service first,before your self and help the filipino unfortunate,
Especially,the children of the future,give love and care,cure,
By using drugs,and solvent,change the slum area and environment,
It's not to late to be a good leader,but later on i am your punisher....    

Friday, October 1, 2010

Pundasyon

Matutong sumayaw sa lumang tugtugin at ritmo,
Kung pulos kaliwa ang paa walang matatamo,
Magsumamo sa pusong bato hanggang sa lumambot,
Di magtatagal makakasabay ka na sa ikot ,

Sa malumot na daloy na tubig na maiitim,
Isantabi ang kinikimkim paliwanagin ang dilim,
Madilim na kahapon sayo nakaharang,
Ang utang ng nakaraan sayo nakahatang,

Mapanlinlang na hunyango pilit nakikipagkaibigan,
Pagkatapos makuha ang inaasam agad na lilisan,
Punasan ang luhaan ng mga mata ng mga musmos,
Paggalang sa lumikha sa walang kabuluhan ibinuhos,

Pagtutuos ng nasyon sa diputadong naghuhugas kamay,
Hindi masanay sa pagluray sa akala'y gagabay
Anay na sumisira sa pundasyon mga ninuno ang nagtayo,
Matang luhaan ni inang bayan di matuyo tuyo.

Friday, September 24, 2010

Tula

Magpakalalim ngunit huwag magpakalunod,
Tularan ang nauna ngunit huwag ka sumunod,
Magpaanod sa inuuod na lawang malawak,
Dugo ang dumanak sa dwelong baligtad ang talim ng tabak,

Pag-iyak ng talunan di matanggap ang pagkakamali,
Gusto maghari sa palasyo ang leeg ay nakatali,
Pusaling napapaligiran ng mapagkunwaring kapanalig,
Kaagapay sa pagtindig ngunit binabali ang bisig,

Makinig sa mga sonata ng makatang gutom,
Di alam kung kailan hihilom ang sugat at paghuhukom,
Tila butas ng karayom ang pinapasok,
Nabibilang sa daliri ang mga nasa tuktok,

Nilililok ng palad ang direksyon baluktot,
Pilit pinapagalaw ang mundong di umiikot,
Sigalot bumabalot  nagmamasid sa paligid,
Umaani ng palay sa sementadong bukid